
To see a World in a grain of Sand and Heaven in a wildflower, Hold infinity in the palm of your hand and eternity in an hour... William Blake
.
It's been awhile, since I said hello, thanks for the tag too. The holiday season in once again started over here. Thanksgiving was yesterday, but my family and I are celebrating today.
the poems amazed me alot talaga. I wish to read more of your poems Kudos... for sure I'll chck this website everynow and then
Dahil hindi na ako makatula. Ito na lang muna. Papasa bang short story ito?
Skyway
Mahaba ang skyway. 150 kph ang aming takbo.
Malalim ang tinatakbo ng aking isipan. Mabagal kumpara sa bilis ng pagdaan ng iba’t ibang tanawin sa aking paningin. Pautay-utay ang daloy ng dalumat. Mabilis na mabagal. Mabagal ngunit mabilis. Sari-saring riyalisasyong hindi ko kayang pangalanan.
Lima kami sa loob ng sasakyan kasama ang driver, o apat lang talaga kami, o mas tamang sabihing tatlo lang sila. Ang driver sa tingin ko, sa turing nila, ay bahagi na rin ng sasakyan. Spare part. Samantalang ako narito pero wala dito.
Abala ang babaeng nasa unahang upuan. Kausap sa telepono ang isang kaibigan, kakilala o maaring kasintahan. Walang gatol ang kanilang usapan. Buo ang kumpiyansa niya at tiyak ang bawat salitang binibitawan.
“Would you like to fly with me to Singapore? I might be leaving before the month’s end…Gosh! I slept in a hotel the other night and you know what their service is so damn poor. I don’t think I’ll be checking in again for years. By the way do you remember _______ . Yeah! She was confined in the hospital due to Dengue and her blood platelets count dropped to 53 or something. As in, oh my God, she was so healthy the last time I saw her…”
British ang nasa aking kanan. Abala sa pakikipag-usap sa Fil-Am sa kaliwa. Nakapagitan ako sa kanila subalit hindi ko nararamdaman na naroroon ako. At hindi rin nila namamalayan ang aking presensya. Lagos ang kanilang tinginan. Ako’y hangin. Hangin sa labas at loob ng sasakyan. Hindi ko rin nauunawaan ang kanilang usapan bagamat naiintidihan ko. Tahimik lamang akong sabay na naririnig ang kanilang usapan. Pinagmamasdan ang kahabaan ng aspaltadong highway at naliligaw sa tinatakbo ng aking isipan. Pinag-iisipan ang takbo ng sasakyan, ng aking buhay. Naroroon ako sa gitnang upuan ngunit wala ako roon. I’m all over the place. Scattered.
“I work-out twice a week. There is this gym in Makati that offers fitness programs with complete work out facilities and equipment, jacuzzi, locker room, unlimited work-out hours, 6 hours free parking. Man! You get all of these for 30,000 pesos. It’s very cheap”.
“...kailan ko kaya matutuhang magsalita ng ganun kaderetsong English na may accent.”
“My girlfriend and I recently applied for a health insurance. The premium is so low I am actually planning to apply my parents,” mula sa kaliwa.
“…kagabi, nananakit na naman ang likod ni nanay. Tumataas na naman ang blood pressure niya. Napapadalas na ito. I hope makagaan sa kaniya ng pag-uwi sa province next week. Kakapusin na naman ako. Tototohanin kaya ng Boss ko na bigyan ako ng commission. I doubt it. Overdue na iyon at hindi ko naman hinihingi. Si L reklamo nang reklamo sa commission niya. Maliit daw. Unfair daw. May punto naman siya kasi hardworking naman siya. Mabuti pa nga siya nabigyan. Ang totoo dapat hatian niya ako doon kasi tinulungan ko naman siya sa ibang projects. Group effort. Partner daw. Usapan namin iyon. Pangako niya. Pero nalimutan na niya kasi nga disappointed siya at maraming umaasa sa kaniya. Ako nga ni singko wala pero hindi naman talaga ako umaasa kasi pakiramdam ko hindi pa ako lubusang napapakinabangan ng company. I only deserve what I give. Naku ang ipokrito ko talaga. Pretending. Sinong niloloko ko.”
“Come on Singapore is so fine. We could go shopping”
“…shopping sa Singapore wow. Kung makapunta kaya ako doon ano ang unang bibilhin ko?”
“…magmusic na lang kaya ako o magbasa. Ang daming book dito sa bag ko na hindi ko naman nababasa. Minsan binabasa ko pero hindi ko naman talaga naiintindihan. Poetry, poetry, poetry...putang inang poetry iyan. ‘Wag na lang baka sabihin naman nila ang bastos ako. Kanta na lang ako...”
“…happy birthday to you, happy birthday to you, happy…happy ba ako noong mga nakaraang birthday ko? I can’t remember. Wala naman akong memorable na birthday eh. Wala ring memorable birthday gift. Sensitibo na ako sa edad ngayon. Malapit na akong mawala sa kalendaryo. Mas lalo pa kapag ipinagdidiinan nila na matanda na ako. Lalo na siya. Parang unworthy na ako kasi matanda na ako. Matanda na, payatot, panget pa. Kumpara sa iba. Kumpara sa "kaniya". Nilalamon na ako ng insecurities. Parang ang liit-liit ko na. Parang hindi na ako makakaahon. Damn phoenix!. O ewan ko rin baka overdramatic lang ako. Siguro kailangan ko lang ng moral boost. Emotional upliftment. Mag-born again kaya ako? Spiritual renewal? Mag-Yoga? Tai-Chi? Pilates? Gym? Magbakasyon? Mag-disappear na nang tuluyan sa planet? Makakatulong ba iyon? Ewan.
“…nasaan na kaya si Evelyn? Iyong tabatsoy na iyon ang laging nagpapatreat kapag birthday ko. Siya lang ang natatandaan kong nae-excite kapag malapit na ang birthday ko. Ilang taon na rin pero hindi ko pa rin siya na-treat hangang ngayon. Wala akong kwentang kaibigan. Eh anong magagawa ko wala akong pera eh.”
“…happy birthday to you…na na nana na na…My best friend took a weeks vacation to forget her. His girl took a weeks-worth of valium and slept…for the life of me I cannot believe we'd ever die for these sins we were merely freshmen* na na na…I have learned my lesson well…live your life without regret. Don’t be someone who they forget**…hmmm…”
“Hey, once we get to the office please put together the bill of materials and pricing for the University Of Perpetual Help call center project. They are very interested in our services.” Bahagya akong nagitla. Kasama ko pala ang Boss ko. Nasa kotse pala ako.
“Yes sir”
“… call center para sa University of Perpetual Help...Perpetual Help…Mother of Perpetual Help...Baclaran…Ina ng walang hanggang tulong…Mali, mali… Ina Ng Laging Saklolo. Magnovena kaya ulit ako baka sakaling matulungan niya ako. Wala naman akong kasama. Malulungkot lang ako. Nami-miss ko yata si Wolf. Baclaran ang meeting place namin dati. Ipinagpalit din niya ako sa Ex nya. Deja Vu yata ang nangyayari. Si Cynthia kaya? Natupad iyong ipinagdasal niya noong nagnovena kami. Sa China na siya ngayon nakatira at nagkatuluyan sila ni Sir Mel. May anak na rin sila. Si Sir Henry kaya? Dalawang wednesday ding kaming nagkasama noon nang umalis na si Chay. Bestfriend kami noon. Si Chito, siya ang pinakamatagal kong nakasama sa Baclaran? Akala ko magtatagal. Chito…cheater. dahil sa textmate! Bitter? Hindi. Love! Para na akong si K. True love nang True Love. Kada kibot true love. Magiging true lang naman ang love kapag true ka sa sarili mo at sa partner mo di ba, hindi rin yata!?. ”
“…bakit kasi binasa ko pa. Alam ko namang masasaktan lang ako. Ang tigas ng ulo ko. Ang tanga ko. Alam ko naman na ang katotohanang iyon at wala talaga akong magagawa kundi intindihin. Mahal ko siya eh. Pero paulit-ulit sa isip ko. Hindi ko na talaga dapat binasa pa. Hindi na dapat…Sa akin, may pangalan ang tunay na pag-ibig - Y…X ang pangalan ko.”
“Look at that bluish fog right over there. It’s disgusting” british accent ulit. Napasulyap ako. Karaniwan na iyan, Pilipinas ito. Polluted talaga. Napangiti na lang ako at hindi na umimik. Kanina pa naman ako hindi umiimik. Ano nga ba ang bluish fog na iyon? May bluish fog ba? Fog nga ba iyon? Parang kanta ah...There's a blue sky, waiting tommorrow, waiting tommorow. Hale ba ito o Cueshe? Tama ba ang lyrics? Ewan, hindi ko naman sila gusto...There's a blue sky na nana na..."
“…ang ganda ng blue car na iyon...ang payat-payat ko talaga. Ano kaya itong nararamdaman kong pasulput-sulpot na hapdi sa dibdib ko. Napapadalas na yata. Depression? Baka may sakit na ako sa puso. Kung mabangga kaya kami ngayon at mamatay ako may iiyak kaya maliban sa nanay ko? Malulungkot kaya ang mga taga-P? Siya kaya? Sana makaipon sila ng sapat na amount para sa pampalibing. Noong time na namatay ang tatay ko nahirapan kami. Maliit pa ang sweldo ko noon at walang ipon. Maliit pa rin naman hanggang ngayon, wala pa ring ipon. Ano ba iyan! Ang morbid kong mag-isip. Ang bibilis ng mga sasakyan… University of Perpetual Help...Mother of Perpetual Help!”
BLAG!
“God!”
“Oh my God!”
“Jesus Christ!”
Isang malakas na bundol. Nanumbalik kami sa katinuan, ako sa aking katinuan.
“Get that bastard’s number and make sure he pays for the car damages. Good thing my car’s insured. I hope his is,” british accent.
"...hindi naman pala masyadong nadamage ang kotse. Buhay pa naman kami. Malayo pa ang lalakbayin. Isang malakas na bundol lamang ang lahat ng ito.
"...walang insurance ang buhay ko kahit marami ng damage. Pero umaandar pa naman. Aandar pa rin. Kailangang umandar.
Mahaba pa ang skyway.
Nov. 18, 2006
* The Freshemen, The Verve Pipe
** Northern Star, Melanie C.